Skip to Mainprivacy

ABISO SA PAGKAPRIBADO

Huling Binago: 09-04-2025

Ang impormasyon na maaaring kolektahin at ang paraan ng pagkolekta

Maaaring kolektahin ang inyong impormasyon sa ilang paraan, kabilang: kapag kayo ay magbibigay ng impormasyon sa amin, kapag kokolektahin ang impormasyon nang awtomatiko, o kapag ang impormasyon ay ibinahagi sa amin ng ibang kompanya.

  • Impormasyon na ibibigay ninyo sa amin

Nangongolekta kami ng impormasyon, kabilang ang personal na impormasyon gaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan, address na pagpapadalhan ng sulat, at email address, kapag ibibigay ninyo ito sa pamamagitan ng pagpapatala upang tumanggap ng mga email, humingi ng impormasyon, magsumite ng mga komento, mag-sign up para sa isang account sa aming mga website o mobile application, magsumite ng mga pagrerepaso ng produkto o lumahok sa isang pagpapalaganap (hal., paligsahan o mga sweepstakes) o survey. Halimbawa, kung kayo ay nasa website ng isang TV network, nanonood ng nilalaman ng SC Johnson gaya ng isang pagpapalaganap ng produkto, at kayo ay pumiling makilahok upang tumanggap ng impormasyong mula sa SC Johnson, magbabahagi sa amin ang website ng TV network ng impormasyon na ibinigay ninyo upang makaugnayan namin kayo ayon sa kahilingan.

Kung ang isang website ng SC Johnson ay nag-aalok ng mga serbisyo ng pamimili o iba pang mga serbisyong komersyal, gagamit kayo ng isang form ng pag-order upang humiling ng impormasyon, mga produkto at mga serbisyo. Mangongolekta kami ng impormasyon na may kinalaman sa transaksiyon, kabilang ang impormasyon sa pag-order at address na pagpapadalhan. Sa ilang kaso, maaaring hilingin ng form ng pag-order na gumawa kayo ng account na may username at password. Maaaring hingin ng form ng pag-order na magbigay kayo ng pinansiyal na impormasyon, gaya ng impormasyon ng account (kabilang ang username at password) o mga numero ng credit o debit card, ang petsa ng pagpapaso ng inyong credit o debit card, ang pangalan sa inyong credit o debit card, ang inyong billing address, o iba pang impormasyon ng pagbabayad. Ipinadadala ang impormasyong ito sa amin o sa aming mga tagapagbigay ng serbisyo sa pamamagitan ng ligtas na sesyon ng pagba-browse. Huwag magpadala sa amin ng anumang pinansyal na impormasyon sa labas ng ligtas na sesyon ng pagba-browse.

Minementena namin ang mga website upang suportahan ang aming mga kustomer na ibang negosyo at mga end-user ng aming mga produkto at serbisyo sa mga grupo na gaya ng industriya, mga institusyon at pangangalagang pangkalusugan. Kung binibisita ninyo ang aming mga website sa ngalan ng isang negosyo, maaari rin naming kolektahin ang impormasyon na pangkontak sa inyo sa trabaho (kabilang ang email address at numero ng telepono), ang inyong titulo o papel na ginagampanan at mga detalye tungkol sa naturang negosyo. Ang mga website na inilaan para sa mga negosyo ay maaari ring magbigay ng kakayahang gumawa ng account upang magamit ang mga partikular na serbisyo at nilalaman.

Minementena namin ang mga partikular na website para sa pagkuha ng empleyado, kabilang ang pag-aanunsiyo ng mga oportunidad sa trabaho at pagpapahintulot sa pagsusumite ng mga aplikasyon online. Kung gagamitin ninyo ang naturang mga website hihilingin sa inyo na gumawa kayo ng account upang pangasiwaan ang proseso ng aplikasyon at, kung pipiliin ninyo, itakda ito para sa mga alerto tungkol sa trabaho. Hihilingin din na magbigay kayo ng impormasyong pangkontak sa inyo, pati na ang iba pang impormasyong makabuluhan sa inyong aplikasyon, gaya ng isang resume o curriculum vitae.

Ang pagbibigay ng personal na impormasyon sa amin ay ganap na hindi sapilitan. Gayunman, kung tatanggi kayong magbigay ng mga detalye na kailangan (hal., ayon sa tinutukoy sa form ng pagpapatala o para sa mga layunin na pagkumpleto ng hinihinging transaksiyon), magiging imposibleng gamitin ang ibang mga katangian at mga kakayahan ng website o ng mga mobile application at/o na makinabang sa aming mga serbisyo o mga pagpapalaganap (halimbawa, hindi makakasali sa sweepstakes o paligsahan o hindi makakabili ng mga produkto online) o makilahok sa mga partikular na laro o iba pang online na mga karanasan.

  • Impormasyong awtomatikong nakokolekta

Kami, gayundin ang mga ahensiya, mga tagapag-anunsiyo at/o mga tagapagbigay ng serbisyo, ay maaaring maglagay ng mga cookie, beacon o iba pang teknolohiyang sumusubaybay sa inyong browser upang awtomatikong mangolekta ng pangkalahatang di-personal na impormasyon kapag kayo ay bumisita sa isa sa aming mga website (nasa mga susunod pang bahagi nitong Abiso sa Pagkapribado ang higit pa tungkol sa mga cookie, beacon, at kung paano ipapatigil ang awtomatikong pagkolekta). Ang mga online na tagatukoy, gaya ng inyong mga IP address at mga device ID, na sa ilang mga hurisdiksyon ay maaaring ituring na personal na impormasyon, ay maaari ring kolektahin sa pamamagitan ng paggamit ng awtomatikong teknolohiya kapag bibisita kayo sa aming mga website o gagamitin ninyo ang aming mga mobile application – tingnan ang higit pa tungkol sa pagkolekta ng mga IP address at mga device ID at ang kakayahang iugnay ang mga pagba-browse ng website o mga gawi sa paggamit ng mobile application sa inyong indibidwal na personal na computer o iba pang device sa seksyong ito sa ibaba.

Sa mga pangyayaring kayo ay nasa website ng isa sa aming mga kasama sa pagpapalaganap at pag-aanunsiyo, maaaring mailagay ang aming mga cookie o beacon sa inyong computer o sa pamamagitan ng nilalaman ng SC Johnson na maaaring inyong tinitingnan (hal., isang pagpapalaganap ng produkto o isang anunsiyo).

Ang impormasyong nakolekta ng mga cookie o beacon o iba pang awtomatikong teknolohiya ay maaaring gamitin namin o ng aming mga kasama sa pagpapalaganap o pag-aanunsiyo upang ihatid ang nakatutok na pag-aanunsiyo sa inyo. Ang kalakarang pagpapakita ng mga anunsiyo sa mga website ng hindi kaugnay na mga kompanya ay tinatawag na nakatutok na pag-aanunsiyo (nasa susunod pang mga bahagi ng Abiso sa Pagkapribado na ito ang higit pa tungkol sa on-line na pag-aanunsiyo sa hindi kaugnay na mga website (nakatutok na pag-aanunsiyo) at kung paano ipapatigil ang paghahatid dito).

Ang uri ng impormasyon na maaaring awtomatikong kokolektahin ay kinabibilangan ng:

  • uri ng internet browser
  • uri ng computer o device
  • IP address**
    • **TANDAAN: Ang IP address ay isang numero na itinalaga sa inyong computer ng inyong Tagapagbigay ng Serbisyong Internet (ISP) upang kayo ay makapasok sa internet. Nagtatalaga ang ilang mga ISP ng bagong IP address sa tuwing pumapasok kayo sa internet habang itinatalaga naman ng ibang mga ISP sa inyo ang parehong numero sa tuwing pumapasok kayo sa internet. Sa mga pangyayari na itinalaga sa inyo ang parehong IP address, posibleng maiugnay ang impormasyon tungkol sa inyong mga gawi sa pagba-browse sa inyong indibidwal na personal na computer.
  • device ID**
    • **TANDAAN: Ang device ID ay isang natatanging numero na nauugnay sa inyong device. Bilang resulta posibleng maiugnay ang impormasyon tungkol sa paggamit ninyo sa mga mobile application sa inyong indibidwal na device.
  • operating system
  • ugali sa pagba-browse, tulad ng impormasyon ng nagrerekomendang website, mga binisitang webpage, tiningnan o na-download na nilalaman, oras na ginugol sa site at mga link na na-click
  • ugali sa pamimili, kabilang ang mga item na inilagay sa mga shopping cart at mga bagay na inabandona
  • petsa at oras ng mga pagbisita
  • heograpikong lokasyon, gaya ng bansa, lungsod at zip (o postal) code

Tumutulong ang impormasyong ito sa amin na magbigay ng mas mabuting karanasan sa website sa pamamagitan ng pagsusuri sa pagganap ng aming mga website, pagtukoy sa mga problema sa aming mga server, pagtatasa sa nabigasyon ng site at mas mabuting pag-unawa sa demograpiya ng aming mga bisita sa site upang makapagbigay kami ng mas naaangkop na nilalaman, kakayahan at mga alok.

Ginagawa rin ng SC Johnson na available ang mga mobile application para gamitin sa inyong telepono o iba pang mga mobile device, kabilang para sa mga layunin ng pakikilahok sa mga pagpapalaganap, laro at iba pang mga online na karanasan, pagkonekta sa “Internet of Things” o “smart” devices, o kung hindi naman ay paggamit sa mga serbisyo na ginagawa naming available sa inyo. Upang gamitin ang ilan sa mga katangian at kakayahan maaari kaming gumamit ng mga teknolohiya na awtomatikong nangongolekta ng impormasyon mula sa inyong device kapag gagamitin ninyo ang mga mobile application, kabilang ang uri ng inyong mobile device, impormasyon tungkol sa operating system ng inyong device, paano ninyo ginagamit ang mobile application o device, at sa inyong pangkalahatang heograpikong lokasyon.

  • Impormasyon na ibinabahagi sa amin ng mga iba pang pinanggagalingan

Maaari kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa inyo galing sa ibang mga pinanggagalingan gaya ng mga online retailer, pampublikong koleksyon ng datos, tagapagbuo ng datos o mga reseller, o mga kompanya/website kung saan kayo pumayag na ibahagi ang inyong impormasyon sa ibang mga kompanya. Halimbawa, kung kayo ay nasa website ng isang TV network at nanonood ng nilalaman galing sa isang palabas sa TV, maaari kayong magkaroon ng pagkakataong mag-sign up upang makatanggap ng pana-panahong komunikasyon/balita tungkol sa palabas sa TV. Habang kayo ay nagrerehistro, maaari ring tanungin ng TV network sa inyo kung gusto ninyong maibahagi ang inyong impormasyon sa mga kasama ng TV network. Kung pumapayag kayong gawin ito at ang SC Johnson ay isa sa mga kasama ng TV network kung gayon maaari naming matanggap ang ilan sa inyong impormasyon.

Maaari rin kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa inyo galing sa mga social networking site kung kayo o ibang mga gumagamit (hal., ang inyong mga “kaibigan”) ay magbibigay sa amin ng access sa inyong mga profile, mga komento, o mga “koneksyon”, kung kayo ay “nag-like” sa amin, o kung makikipag-ugnayan kayo sa nilalaman ng aming pag-aanunsiyo sa mga platform na ito, o kung pipiliin ninyong lumahok sa pahina na inisponsoran ng SC Johnson o programang nasa isang social networking site (hal., Facebook page ng SC Johnson). Kabilang sa uri ng impormasyon na maaari naming matanggap ang mga komento na isinumite o ibinahagi ninyo, mga kinawiwilihan, lokasyon, mga direktang mensahe na ipinadadala ninyo sa amin, at kung gumawa kayo ng aksyon sa loob ng o na nagli-link mula sa nilalaman ng aming pag-aanunsiyo. Dapat ninyong basahin ang mga patakaran sa pagkapribado at mga naaangkop na tuntunin ng mga social networking site at iakma ang inyong mga setting ayon sa naaangkop.

Ang aming mga website ay maaari ring may mga “plugin” at iba pang mga katangian ng website na galing sa ibang mga kompanya, gaya ng Facebook “Like” button at mga Facebook Conversations at iba pang mga katangian na nagpapahintulot sa pag-login o iba pang kakayahan ng website o mga interaksyon sa mga social networking site. Itong mga “plugin” at mga katangian, kabilang ang pagpapatakbo at paggamit sa mga ito, at ang impormasyon na ibibigay ninyo sa naturang ibang mga kompanya bilang bahagi ng paggamit sa mga ito, ay pinamamahalaan ng kanilang mga patakaran at kalakaran sa pagkapribado. Mangyaring tandaan na hindi namin kontrolado at hindi kami responsable para sa mga patakaran o kalakaran sa pagkapribado ng naturang mga partido. Dapat ninyong repasuhin ang mga abiso sa pagkapribado at naaangkop na mga tuntunin bago magpasya kung gagamit ng mga “plugin” o iba pang mga katangian ng website mula sa ibang mga kompanya.

Ginagamit din namin ang mga serbisyo ng mga kompanya na nangangasiwa ng mga gantimpala at iba pang mga programa ng insentibo na nagbibigay-daan sa paghahatid ng mga naibabagay at sa–aktuwal-na-oras na nilalaman at na iniaalok sa mga kalahok sa kanilang mga programa, kabilang ang mga coupon at rebate. Ang naturang mga kompanya ay nangongolekta at nagbabahagi ng impormasyon tungkol sa inyong mga ugali sa pamimili. Sa ilang mga kaso, maaaring kabilang dito ang impormasyon ng eksaktong heograpikang lokasyon mula sa inyong telepono o iba pang mobile device upang maghatid ng makabuluhang sa-aktuwal-na-oras na nilalaman at alok sa inyo. Dapat ninyong basahin ang mga patakaran sa pagkapribado at naaangkop na tuntunin na nalalapat sa naturang mga programa bago kayo sumang-ayon na makilahok.

Paano namin ginagamit ang impormasyon

Maaari naming gamitin ang impormasyon para sa iba’t ibang layunin upang:

  • sagutin ang inyong mga katanungan at kahilingan,
  • bigyan kayo ng impormasyon tungkol sa aming kompanya, mga produkto, mga serbisyo, mga pagpapalaganap at iba pang espesyal na mga alok, kabilang sa pamamagitan ng paghahatid ng nakatutok na pag-aanunsiyo,
  • repasuhin ang pagganap ng isang anunsiyo, pagpapatunay sa paghahatid at pagsukat,
  • i-angkop sa inyo ang inyong karanasan sa website sa pamamagitan ng ibinagay na nilalaman, mga anunsiyo at mga alok,
  • tulungan kayong maghanap ng mga tindahang malapit sa inyo na nagtitinda ng aming mga produkto,
  • makipag-ugnayan sa inyo tungkol sa inyong account at iba pang mga bagay, at sa aming pagpapasya, mga pagbabago sa anumang patakaran ng SC Johnson na maaaring makaapekto sa inyo,
  • magsagawa ng pananaliksik at pagsusuri na nauugnay sa, at pangasiwaan at pahusayin, ang aming mga website, mga mobile application, mga produkto, mga serbisyo, pag-aanunsiyo, mga listahan ng mga produkto ng ecommerce, mga pagpapalaganap at pagbebenta, at unawain kung paano kayo makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng mga social media platform, kabilang, halimbawa, ang gawin ang aming mga website at mga mobile application na mas madaling gamitin na may mas magandang nilalaman sa pamamagitan ng pag-unawa kung paano ginagamit ng mga tao ang aming mga website, mga mobile application, mga produkto at serbisyo at makipag-ugnayan sa amin gamit ang social media at pag-aanunsiyo,
  • magproseso ng mga transaksiyon at ipadala ang mga produkto sa inyo,
  • pangasiwaan ang mga online na komunidad para sa pagbabahagi at pagpapalitan ng mga pagrerepaso, komento, feedback, ideya, at iba pang nilalaman na nagmumula sa gumagamit,
  • pangasiwaan ang mga programa at pagpapalaganap kung saan kayo nagpatala, kabilang ang sweepstakes at mga paligsahan, at mga mobile application para sa mga laro at iba pang mga online na karanasan,
  • ipatupad ang ibang mga gawaing inihayag sa panahong nagbigay kayo ng impormasyon,
  • ipatupad ang mga katangian ng social networking na inyong pinagana, at/o
  • pagsamahin ang lahat ng impormasyon na aming nakokolekta o natatanggap tungkol sa inyo para sa alinman sa mga naunang nabanggit na layunin.

Sa hangganang ibinibigay ninyo sa amin ang pinansyal na impormasyon kaugnay sa pamimili o komersiyal na mga serbisyo, gagamitin namin ang pinansyal na impormasyon upang iproseso ang mga order at singilin kayo para sa mga produkto at/o serbisyo. Sa pamamagitan ng pagsusumite ng numero ng inyong credit o debit card at kaugnay na personal na impormasyon, binibigyan ninyo ng awtorisasyon ang aming tindahan na ibigay ang impormasyon na iyon sa aming mga tagapagbigay ng serbisyo at sa mangangalakal at kompanya ng credit card para sa pagkumpirma at pagtupad sa order, pagpapatunay sa pagkakakilanlan at pangangasiwa sa panganib at pandaraya.

Kapag nagbabahagi kami ng personal na impormasyon

Hindi namin ibebenta o parerentahan ang inyong personal na impormasyon sa iba pang mga kompanya, ayon sa pagkakaintindi sa mga tuntunin na ito sa kalahatan. Pana-panahon, maaari naming ibahagi ang inyong personal na impormasyon sa aming mga subsidiaryo, kaanib, kasama sa negosyo at mga vendor na nagbibigay ng mga serbisyo sa amin, gaya ng mga sitwasyon sa ibaba. Kabilang dito ang pamamahagi ng inyong personal na impormasyon sa mga tagapagbigay ng serbisyo sa pag-aanunsiyo upang gumawa ng mga nakatutok na pag-aanunsiyo. Ang naturang mga aktibidad ay maaaring ituring na “pagbebenta” sa ilalim ng mga partikular na batas at nangangailangan ng pagbubunyag. Kung kayo ay residente ng California, basahin ang seksyon sa California Consumer Privacy Act na maaari ninyong ma-access sa pamamagitan ng pag-click dito upang alamin ang higit pang impormasyon tungkol sa naturang batas at mga partikular na karapatang maaaring mayroon kayo na nauugnay sa inyong personal na impormasyon at kung paano ito ginagamit. Maaari rin naming ibahagi ang binuo, tinanggalan ng pagkakakilanlan at/o walang pagkakakilanlang impormasyon sa aming mga kasama sa negosyo para sa kanilang sariling mga layunin sa negosyo.

  • ang inyong pahintulot na maibahagi ang inyong personal na impormasyon

Ibinabahagi namin ang impormasyon na pahihintulutan ninyo, kabilang kapag hihilingin o iuutos ninyo ang ganoong pagbabahagi. Halimbawa, habang nasa aming mga website o kapag ginagamit ninyo ang aming mga mobile application, maaaring mayroon kayong pagkakataon na piliing makatanggap ng impormasyon at/o mga alok sa pagtitinda mula sa ibang kompanya. Sa pagpiling ito pinahihintulutan ninyo ang pagbabahagi ng inyong impormasyon sa ibang kompanya. Kung pahihintulutan ninyong maibahagi ang inyong impormasyon, ibubunyag ang inyong impormasyon sa ibang kompanya, at ang impormasyon na inyong ibubunyag ay mapapasailalim sa patakaran sa pagkapribado at mga kalakaran sa pagnenegosyo ng naturang ibang kompanya.

  • Mga subsidiaryo, kaanib at kasama sa negosyo ng SC Johnson

Maaari naming ibahagi ang inyong personal na impormasyon sa mga subsidiaryo at kaanib sa pamilya ng mga kompanyang kontrolado ng SC Johnson, o sa aming mga kasama, mga tagapag-anunsiyo o iba pang mga kompanya pangunahin para sa mga layunin ng negosyo at pamamalakad, kabilang ang magkatuwang na mga gawain sa pagpapalaganap kasama ang naturang ibang mga kompanya.

  • Mga vendor na nagbibigay ng mga serbisyo sa ngalan namin

Ibinabahagi namin ang inyong impormasyon sa mga vendor na nagbibigay ng mga serbisyo sa amin, kabilang upang tulungan kaming tuparin ang inyong mga kahilingan, gawing available ang iba’t ibang katangian, mga serbisyo at materyales sa pamamagitan ng aming mga website at mobile application, tumugon sa inyong mga pagtatanong, maghatid ng mas makabuluhang pag-aanunsiyo sa inyo at magsagawa ng iba pang mga layunin na inilalarawan sa seksyon sa itaas na “Paano namin ginagamit ang impormasyon”. Ang mga hindi kaugnay na kompanya kung saan maaari naming ibigay ang impormasyong ito ay maaaring kinabibilangan ng mga tagapagbigay ng mga serbisyo sa pag-aanunsiyo (kabilang ang mga serbisyong pagsubaybay sa website, pagpapalitan ng pag-aanunsiyo at mga serbisyo sa pamamahala ng imbentaryo, at mga serbisyo sa pangangasiwa at pag-aanalisa ng datos), mga kasama sa komersyo, mga isponsor, mga binigyan ng lisensya, mga mananaliksik at iba pang parehong mga partido. Maaari rin naming gamitin ang inyong personal na impormasyon, gaya ng mga online na tagatukoy na hindi personal na tumutukoy sa inyo (halimbawa, sa pamamagitan ng hashing), upang gumawa ng mga pangkalahatang grupo ng tagapanood para sa paghahatid ng nakatutok na mga pag-aanunsiyo sa mga social media platform at mga site ng ikatlong partido. Mas espesipiko, ibinabahagi namin ang personal na impormasyon sa mga ikatlong partido na gumagawa ng mga grupo ng kustomer batay sa mga kaunawaan mula sa aming mga website, iba pang hindi kaugnay na mga website, at iba pang mga pinagmumulan gaya ng mga social network, at paghahatid ng pag-aanunsiyo sa naturang mga grupo.

Maaari rin naming ibahagi ang impormasyon na nabuo, natanggalan ng pagkakakilanlan at/o walang pagkakakilanlan sa iba pang mga kompanya na nagbibigay ng mga serbisyo sa amin, kabilang para sa mga layunin ng pag-aanalisa at pananaliksik. Halimbawa, maaari naming ibahagi ang nabuong impormasyon ng kostumer, tulad ng mga demograpiya, sa paraang hindi personal na tumutukoy sa naturang mga kustomer, upang tulungan kaming tukuyin ang mga makabuluhang pagkakapareho para maabot ang mga bagong kustomer. Sa tulong ng naturang mga kompanya, nagagawa naming magpadala ng mga materyales sa pagtitinda at pag-aanunsiyo sa mga posibleng kustomer.

  • Mga legal na proseso at iba pang espesyal na mga sitwasyon

Maaari naming ibahagi ang inyong impormasyon upang sumunod sa isang legal na obligasyon tulad ng kahilingan ng mga awtoridad ng pamahalaan na nagsasagawa ng imbestigasyon; upang patunayan o ipatupad ang mga tuntunin sa paggamit sa aming website o iba pang mga maipatutupad na patakaran; o upang protektahan ang mga karapatan, ari-arian, kaligtasan o seguridad ng mga bisita sa aming mga website, ang publiko o iba pang mga partido. Maaari rin naming ibunyag ang inyong impormasyon bilang bahagi ng muling pag-oorganisa o pagbebenta sa isa sa aming mga yunit, sangay ng negosyo o mga tatak sa ibang kompanya.

Paano namin iniingatan ang impormasyon

Siniseryoso namin ang seguridad ng impormasyon at gumagamit ng tanggap- ng-industriya na mga pamamaraang pangseguridad upang tumulong sa pagprotekta sa inyong personal na impormasyon mula sa hindi awtorisado na pag-access, pagbabago, pagkawala, o hindi angkop na paggamit. Halimbawa, itinatabi namin ang personal na impormasyon sa mga sistema ng computer na may limitadong access at matatagpuan ang mga sistemang ito sa kontroladong mga pasilidad. Kapag nagpapadala kami ng napaka-kompidensyal na impormasyon (hal., numero ng credit card) sa pamamagitan ng internet, pinoprotektahan namin ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga paraan ng data encryption.

Mangyaring tandaan na huwag kailanman ipadala ang inyong mga numero ng credit card, social security, o anumang personal na mga password sa pamamagitan ng hindi ligtas na email. Tandaan din na huwag kailanman ibabahagi ang inyong mga password, huwag kailanman iwanan ang inyong computer nang walang nagbabantay, at palaging mag log-out kapag tapos na kayong gumamit dito.

Higit pa tungkol sa mga cookie, beacon, at kung paano ipatigil ang awtomatikong pagkolekta ng impormasyon

Gumagamit ang SC Johnson ng awtomatikong teknolohiya sa pagkolekta ng pangkalahatang di-personal at iba pang impormasyon. Ang awtomatikong pagkolekta ng impormasyon ay pangunahing nangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang teknolohiya: mga cookie at web beacon.

  • Higit pa tungkol sa mga “Cookie”

Ano ang cookie -- Ang cookie ay isang maliit na file na inilalagay ng isang binibisita ninyong website sa inyong computer sa pamamagitan ng inyong internet browser. May kakayahan ang mga cookie na kilalanin ang inyong computer at magtabi ng impormasyon gaya ng mga web page na binisita, mga tiningnan na anunsiyo, dalas, at uri ng browser na ginamit. Maaari ring gamitin ang mga cookie sa mga mobile device.

Ang mga cookie ay kadalasang pinangangasiwaan sa pamamagitan ng inyong internet browser.

Kung ang website na inyong binibisita ay nagbibigay ng libreng nilalaman malamang na makikita rin ninyo ang mga anunsiyo ng iba pang mga website/kompanya. Kung gayon, ang binibisita ninyong website at mga kompanyang nag-isponsor ng mga anunsiyo ay maaaring maglagay ng kanilang sariling mga cookie sa inyong computer. Ang pagpapakita ng on-line na mga anunsiyo sa hindi kaugnay na mga website ay pangunahing naipatutupad sa pamamagitan ng kalakaran na tinatawag na nakatutok na pag-aanunsiyo (nasa susunod pang bahagi ng Abiso sa Pagkapribado na ito ang higit pa tungkol sa on-line na pag-aanunsiyo sa hindi kaugnay na mga website (nakatutok na pag-aanunsiyo) at kung paano ipatigil ang paghahatid dito).

Paano ginagamit ang mga cookie -- Karaniwang ginagamit ang mga cookie upang tumulong sa seguridad (hal., tapusin ang inyong oras sa ligtas na sesyon ng pagba-browse pagkatapos ng ilang sandaling kawalan ng aktibidad), nabigasyon sa site (hal., tatandaan ang inyong mga kagustuhan upang hindi na ninyo kailangang ipasok ulit ang impormasyon gaya ng gustong wika), at pagandahin ang inyong karanasan sa pagba-browse (hal., paghahatid ng nilalaman, mga anunsiyo, o mga alok na naaayon sa inyong mga gawi sa pagba-browse), at upang makibahagi sa nakatutok na pag-aanunsiyo.

Kayang manatili ng mga cookie sa inyong computer para sa tagal ng inyong sesyon sa pagba-browse o hanggang sa itinakdang haba ng panahon. Ang mga cookie na nananatili sa inyong computer para sa tagal ng sesyon ng pagba-browse ay tinatawag na mga “session” cookie (hal., ang mga nilalaman ng isang online na “shopping basket” ay mawawala sa katapusan ng inyong sesyon ng pagba-browse). Ang mga cookie na nananatili sa inyong computer para sa itinakdang haba ng panahon ay tinatawag na mga “persistent” cookie (hal., pagpili ng Ingles sa isang website na nag-aalok ng nilalaman sa maraming wika upang ang nilalaman ay ipapakita sa Ingles kapag kayo ay bumalik sa website kahit ilang linggo o buwan na ang nakalipas).

Pagtanggap, pag-disable o pagbura ng mga cookie – Maaari ninyong itakda ang inyong browser na ipagbigay-alam sa inyo bago kayo tumanggap ng cookie, upang bigyan kayo ng pagkakataong magpasya kung tatanggapin ito, o hadlangan nang ganap ang mga cookie. Upang gawin ito, mangyaring sumangguni sa help menu ng inyong browser.

Karamihan sa mga browser ay pumapayag din na burahin ninyo ang mga cookie na nakatabi na. Pakitandaan na ang pagbubura ng mga cookie ay malamang na magkakaroon ng negatibong epekto sa performance ng mga website na inyong binibisita at, dahil dito, maaaring hindi ninyo makita ang mga nilalaman o magamit ang mga aplikasyon na inaalok sa pamamagitan ng mga website na ito.

Upang burahin ang mga cookie na nailagay na sa inyong computer, mangyaring sumangguni sa help menu ng inyong browser. Nasa ibaba ang mga link sa ilang mga pinakasikat na internet browser kung saan makakakita kayo ng dagdag na impormasyon sa pangangasiwa ng mga cookie:

Bilang karagdagan, ilan sa aming mga website at mobile application ay maaaring maglaman ng icon o link (gaya ng “AdChoices”, “Cookie Consent” o “Do Not Sell My Personal Information”), kadalasan sa ibabang bahagi ng page, o ibang button na nagbibigay-kakayahan sa mga gumagamit na malaman ang higit pa tungkol sa mga kompanyang gumagamit ng mga cookie sa aming mga website at ang kanilang mga pagpipilian hinggil sa gayong mga cookie at paano i-disable ang mga ito.

Gumagamit kami ng mga tagapagbigay ng serbisyo upang tulungan kaming pangasiwaan ang mga kagustuhan ninyo sa pagkapribado, magbigay ng abiso hinggil sa paggamit namin ng mga cookie at, kung naaangkop, kumuha ng pahintulot para sa naturang paggamit ayon sa inaatas ng naaangkop na batas. Ang pagpapatupad sa inyong desisyon na limitahan ang nakatutok na pag-aanunsiyo, tulad ng pag-opt out sa mga cookie na inilalagay sa aming website, ay maaaring mangailangan ng paglalagay ng cookie sa inyong computer. Bilang resulta, kung buburahin ninyo ang naturang mga cookie kakailanganin ninyong mag-opt out muli upang limitahan ang nakatutok na pag-aanunsiyo.

Mas marami pa kayong malalaman tungkol sa mga cookie sa:

https://www.allaboutcookies.org/

https://www.consumer.ftc.gov/topics/online-security

https://youradchoices.com/ o http://www.youronlinechoices.com/

  • Higi pa tungkol sa mga web “beacon”

Ano ang web beacon -- Ang mga web beacon ay maliliit na piraso ng computer code na inilagay sa naaaninag na grapikong mga larawang ipinapakita sa mga website na maaaring tiningnan ninyo o mga email na maaaring natanggap ninyo. Hindi napapansin ang mga web beacon dahil kadalasang inilalagay ang mga ito sa loob ng napakaliit na bahagi ng isang larawan na inoobserbahan. Ang mga web beacon ay kilala rin bilang mga pixel tag, mga clear GIF, at mga web bug.

Paano ginagamit ang mga web beacon -- Karaniwang ginagamit ang mga web beacon upang subaybayan ang daloy ng trapiko sa website. Maaari ring gamitin ang mga web beacon kasama ang mga cookie upang maunawaan kung paano nina-navigate ng mga gumagamit ang website at pinoproseso ang mga nilalaman na nasa mga website. Halimbawa, ang kompanyang nagmamay-ari ng network ng mga website ay maaaring gumamit ng mga web beacon upang bilangin at kilalanin ang mga gumagamit na bumibisita sa maraming website nito. Ang kakayahang kilalanin ang mga gumagamit ay nagpapahintulot sa may-ari ng website na gawing personal ang mga pagbisita ng mga gumagamit at gawin itong mas user-friendly.

Paano burahin ang mga web beacon -- Upang burahin ang mga web beacon, kailangan ninyong burahin ang mga cookie sa inyong browser (tingnan ang bahagi sa itaas sa “paano burahin ang mga cookie”).

Mas marami pa kayong malalaman tungkol sa mga web beacon sa:

http://www.allaboutcookies.org/faqs/beacons.html

Higit pa tungkol sa online na pag-aanunsiyo sa hindi kaugnay na mga website (ad serving ng ikatlong partidong o nakatutok na pag-aanunsiyo) at kung paano ipatigil ang paghahatid dito

Kami at ang aming mga kasama sa pagpapalaganap at pag-aanunsiyo ay gumagamit ng impormasyong nakolekta ng mga cookie o beacon upang makibahagi sa nakatutok na pag-aanunsiyo.

Ano ang nakatutok na pag-aanunsiyo -- Ang nakatutok na pag-aanunsiyo ang pinakakaraniwang kalakaran sa paglalabas ng mga anunsiyo sa mga website ng mga hindi kaugnay na kompanya. Halimbawa, kung kayo ay bumisita sa website ng network ng sports gaya ng espn.com, maaari kayong makakita ng anunsiyo galing sa hindi kaugnay na mga kompanya ng kagamitang pampalakasan.

Paano gumagana ang nakatutok na pag-aanunsiyo -- Gumagamit ang nakatutok na pag-aanunsiyo ng mga teknolohiyang gaya ng mga cookie at web beacon upang tipunin ang impormasyon ng paggamit mula sa mga website na inyong binisita. Ginagamit ang impormasyong ito upang subukang unawain ang inyong potensyal na mga interes at itugma ito sa mga potensyal na taga-supply ng kaugnay na produkto at mga serbisyo. Kung isa sa mga potensyal na taga-supply na ito ay nakakontrata sa isang website na inyong binibisita upang maghatid ng katumbas nitong anunsiyo, titipunin ng inyong internet browser ang naaangkop na impormasyon ng anunsiyo at ihahatid ito sa inyo habang kayo ay nagba-browse sa hindi kaugnay na website.

Paano limitahan ang nakatutok na pag-aanunsiyo – Maaaring tumanggap ang inyong hurisdiksyon ng mga batas o pamamalakad ng isang industriya para sa pansariling pangangasiwa na nagbibigay sa inyo ng kakayahang limitahan o ipatigil ang nakatutok na pag-aanunsiyo. Ang dumaraming bilang ng tagapag-anunsiyo ay naglagay ng icon (gaya ng “AdChoices” icon) sa loob o malapit sa kanilang mga anunsiyo upang ipahiwatig ang pagsunod sa naaangkop na mga pamamalakad para sa pansariling pangangasiwa. Sa pagpili sa icon na ito, maaari kayong muling ituon dalhin sa isang website kung saan maaari ninyong limitahan o ipatigil ang paghahatid ng mga anunsiyo sa inyong computer. Gayunman, dapat ninyong malaman na ang mga ganoong icon (kabilang ang “AdChoices” icon) ay maaari lamang makatulong sa inyo na limitahan ang mga anunsiyo na galing sa mga kompanyang nagpatala upang gamitin ang naaangkop na icon para pangasiwaan ang nakatutok na pag-aanunsiyo.

Kung at hanggang sa saklaw na ang anunsiyo ay hindi isinasama ang mga naaangkop na icon, kailangan ninyong bisitahin ang website kung saan ninyo natatanggap ang anunsiyo o ang aktuwal na website ng tagapag-anunsiyo upang basahin ang patakaran nito sa pagkapribado, na maaaring magbigay ng impormasyon kung paano ipatigil ang pagtanggap ng kanilang mga anunsiyo.

May makikita kayong higit pang impormasyon tungkol sa nakatutok na pag-aanunsiyo at kung paano limitahan ang mga kaugnay na anunsiyo sa:

http://www.aboutads.info/

Pakitandaan na ang SC Johnson ay walang kontrol sa network ng pag-aanunsiyo na ito o sa mga kompanyang kabilang sa network.

Ano ang Do Not Track – Ang Do Not Track o Huwag Subaybayan ay isang kagustuhan sa pagkapribado na maaari ninyong itakda sa inyong web browser na nilayon upang pahintulutan kayong kontrolin ang pagsubaybay sa inyong online na mga gawain sa mga website.

Paano kami tumutugon sa mga Do Not Track Signals – Pinarangalan ng mga website ng SC Johnson ang mga setting ng Huwag Subaybayan na pinagana mula sa iyong web browser.

Ano ang mga batas na umiiral sa pamamalakad sa mga website ng SC Johnson at paglilipat ng personal na impormasyon sa buong daigdig

Ang aming mga website ay pinamamahalaan at pinapalakad alinsunod sa mga batas ng Estados Unidos, habang nakadisenyo na bumagay sa mga batas ng mga bansa kung saan kami nagpapalakad.

Dahil kami ay isang internasyonal na negosyo, ang mga server ng computer na sumusuporta sa aming mga website at nagpoproseso ng inyong personal na impormasyon ay maaaring matagpuan sa labas ng bansa kung saan kayo pumasok sa aming mga website at kinolekta ang inyong impormasyon. Dahil dito, ang inyong personal na impormasyon ay maaaring iproseso, panatilihin at/o ilipat sa ibang bansa at patungo sa isang bansa na walang parehong mga batas sa pagkapribado na katulad sa inyong bansang tinitirhan. Kung gayon, pangangasiwaan namin ang inyong personal na impormasyon alinsunod sa Abiso sa Pagkapribado na ito.

Tandaan na sa paggamit sa aming mga website o pagbibigay sa amin ng impormasyon, kayo ay: (a) sumasang-ayon na ang aming mga website ay sakop ng mga batas ng Estados Unidos, at (b) nagpapahintulot sa pagkolekta, pagproseso, pagpapanatili at paglipat ng gayong impormasyon sa loob ng at patungo sa Estados Unidos at/o ibang mga bansa.

Tandaan na maaaring hingin ng mga batas ng mga partikular na bansa na magtakda kami ng partikular na impormasyon sa Abiso sa Pagkapribado na ito na nauugnay sa gayong mga bansa o estado. Mag-click sa ibaba upang basahin ang impormasyon para sa mga naturang hurisdiksyon. Ang naturang impormasyon na partikular sa isang lokasyon ay bahagi ng Abiso sa Pagkapribado na ito at nauukol sa impormasyong kinokolekta ng SC Johnson kung at sa hangganang ang mga batas ng naaangkop na hurisdiksiyon ay humihingi ng gayong aplikasyon.

Australia

Argentina

Canada

European Union, European Economic Area at Switzerland

Mexico

South Korea

United Kingdom

United States

California

Nevada

Paano namin ipapaalam sa inyo ang mga pagbabago sa Abiso sa Pagkapribado na ito

Pakitandaan na nakalaan sa amin ang karapatang baguhin ang Abiso sa Pagkapribado na ito, sa anumang oras. Hanggang sa kami ang gagawa ng malalaking pagbabago, sisikapin naming magbigay sa inyo ng makatwirang abiso tungkol sa mga pagbabago. Ang mga pagbabago ay magiging epektibo agad sa sandaling mailathala ang binagong Abiso sa Pagkapribado sa aming angkop na website. Mangyaring basahin ito paminsan-minsan.

Paano kayo makikipag-ugnayan sa amin tungkol sa Abiso sa Pagkapribado na ito o sa inyong personal na impormasyon

Kung mayroon kayong anumang mga katanungan o alalahanin tungkol sa Abiso sa Pagkapribado na ito o sa inyong personal na impormasyon, mangyaring ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin sa email sa ibaba at mga address ng koreo at ang inyong hiling ay tutugunan ng aming sentro ng serbisyo sa mamimili sa Estados Unidos:

Sa pamamagitan ng email: PrivacyInquiries@scj.com

Sa pamamagitan ng sulat: c/o S.C. Johnson & Son, Inc. - Privacy Inquiries
1525 Howe Street MS048
Racine, WI 53403
USA

Sa pamamagitan ng telepono o web form: Mag-click dito upang bisitahin ang aming pahina na “Makipag-ugnayan sa Amin” at alamin kung may naka-enable na opsyon para kontakin kami sa telepono o sa web form sa inyong lokasyon.

Tandaan na ang mga naaangkop na batas ng ilang mga hurisdiksyon ay maaaring magkaloob sa inyo ng karapatan, kabilang, kung naaangkop sa inyong hurisdiksyon, ang karapatang humiling sa amin na:

  • bigyan kayo ng impormasyon tungkol sa mga kategorya at mga espesipikong piraso ng personal na impormasyon na nakolekta namin tungkol sa inyo, sa aming paggamit at pagproseso sa naturang personal na impormasyon, kabilang ang layunin ng aming paggamit at pagproseso, impormasyon tungkol sa pinagkuhanan namin ng inyong personal na impormasyon, paano namin ginagamit at pinoproseso ang inyong personal na impormasyon at ang mga kategorya ng iba pang mga partido kung kanino namin ibinabahagi o ibinubunyag ang inyong personal na impormasyon, at para kumuha ng kopya ng personal na impormasyong hawak namin tungkol sa inyo;
  • itama o isapanahon ang inyong personal na impormasyon;
  • huwag makipag-ugnayan sa inyo sa hinaharap;
  • burahin ang inyong personal na impormasyon;
  • itigil ang paggamit at pagproseso, kabilang ang pagbabahagi o pagbubunyag, sa inyong personal na impormasyon; at
  • ipagbigay-alam ang anumang pagbabago o kautusang pagbura sa iba pang partido kung kanino namin ibinabahagi o ibinubunyag ang inyong personal na impormasyon.

Hindi lahat ng gayong mga karapatan ay maaaring naaangkop sa inyong hurisdiksyon; susundin ng SC Johnson ang mga naaangkop na batas. Dapat ninyong repasuhin ang “Impormasyon na Partikular sa Bansa at Estado” na seksyon sa ibaba.

Bago tugunan ang inyong kahilingan maaaring kailangan naming humingi ng karagdagang impormasyon upang patunayan na ang kahilingan ay galing sa isang indibidwal na pinatutungkulan ng personal na impormasyon o isang awtorisadong kinatawan. Sisikapin naming hingin lamang ang impormasyong kinokolekta namin para sa mga layuning pagpapatunay tulad ng pagkakakilanlan at awtorisasyon, ngunit ang antas ng kinakailangang pagpapatunay ay nakadepende sa iba’t ibang bagay, kabilang ang uri ng kahilingan at ang pagkakumpidensyal ng personal na impormasyon. Sa ilang kaso, maaaring kailangan naming humingi ng pagkakakilanlang bigay ng pamahalaan para sa pagpapatunay sa pagkakakakilanlan. Anumang personal na impormasyong kinokolekta namin kaugnay sa naturang pagpapatunay ay gagamitin lamang para sa mga layuning pagtugon sa kahilingan.

Mangyaring tandaan na alinsunod sa aming karaniwang pagtatabi ng mga tala, kung ipapasya namin at paminsan-minsan, maaari naming burahin ang mga tala na naglalaman ng personal na impormasyon.

Impormasyon na Partikular sa Bansa at Estado

Ang naturang impormasyon na partikular sa isang lokasyon ay bahagi ng Abiso sa Pagkapribado na ito at nauukol sa impormasyong kinokolekta ng SC Johnson kung at sa hangganang ang mga batas ng naaangkop na hurisdiksiyon ay humihingi ng gayong aplikasyon.